Lalaki arestado matapos makuhaan ng baril ng mga rumespondeng pulis ng ito’y maaksidente

23

Makato, Aklan — Arestado ang isang lalaki matapos na makuhaan ng baril ng mga rumespondeng pulis ng ito’y maaksidente kagabi sa bypass road ng Poblacion, Makato, Aklan. Ang suspek ay nakilalang si Ivie Batoy alyas “Ampoy” 28-anyos at residente ng Sitio Centro, Brgy. Panayakan, Tangalan, Aklan. Base sa report ng Makato PNP na nagsagawa sila ng checkpoint matapos na makatanggap ng report galing sa isang miyembro ng BIN ng Poblacion, Makato na merong isang lalaki na si alyas “Ampoy” na nakasakay sa motorsiklo galing Lezo papuntang Makato ay may dalang baril. Sa kasamaang palad ay naaksidente ang nasabing suspek sa kanyang motorsiklo at nirespondehan ito ng mga pulis kung saan nakuha sa beywang nito ang baril. Isang magnum 357 revolver at may tatlong bala. Agad na hinanapan ng papeles ang suspek para sa kanyang baril pero wala itong may maipakita. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Makato PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag da RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

Facebook Comments