Lalaki, arestado matapos mambato sa mga dumaraang sasakyan habang nakahubad

FLORIDA – Arestado ang isang lalaki matapos itong mambato sa mga dumaraang sasakyan habang nakahubad sa isang kalsada.

Ayon sa report ng WKMG News 6, marami ang nakakita sa ginawa ng 34-anyos na si Duy Khanh kaya agad silang tumawag sa awtoridad.

dali-dali namang sumugod sa pinangyarihan ng insidente ang Brevard County Deputies kung saan tumambad sa kanila ang lalaki.


Hindi pa rin malinaw kung bakit nakahubad ang lalaki at nambabato sa mga dumaraang sasakyan.

Inaresto si Khanh sa reklamong exposure of sexual organs ayon sa rekord ng mga pulis.

Facebook Comments