Lalaki, arestado matapos manghablot ng cellphone

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki matapos manghablot ng iPhone 6 sa isang estudyante sa Recto Avenue Kanto Legarda Street, Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang suspek na si Mark Eballar, 32-anyos, residente ng F. Varona Street, sa Tondo.
Nakasakay ng jeep at pauwi na sana ang biktima na si Gabriel Anne Yabut nang bigla na lamang hablutin ng magnanakaw ang cellphone nito.
Agad na pumara ang biktima at hinabol ang suspek na siya namang nakita ng mga tauhan ng manila traffic and parking bureau na nagpapatrolya sa lugar.
Mabilis naman nakorner ang suspek at mariin nitong itinanggi ang paratang kung saan hindi na narekober ang cellphone ng biktima na pinaniwalaang naitapon nito bago pa man maaresto.

Facebook Comments