Lalaki, arestado matapos manghipo at magpakita ng kanyang ari sa bus

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos manghipo at pakitaan ng ari ang babaeng katabi sa bus sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na si Eric Mercado, 37 anyos, residente ng Gulod, Brgy. Poblacion, Sta. Maria.

Ayon kay SPO1 Apple Lureñana ng Sta. Maria Municipal Station, nangyari ang insidente sa loob ng Shanine & Pauline Bus na may biyaheng Sta. Maria-Baclaran.


Natutulog umano sa loob ng bus ang 19 anyos na babaeng biktima nang magising sa bahagi ng Brgy. Sta. Clara matapos maramdamang hinahawakan ng suspek ang kanyang binti.

Bukod sa pananyansing ay nahuli pang nilalaro ng suspek ang kanyang ari kaya nagsisisgaw ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Itinanggi naman ng suspek ang nasabing pangyayari.

DZXL558

Facebook Comments