Lalaki, arestado matapos manghipo sa QC

Quezon City – Hindi na nakapalag ang isang lalaki nang arestuhin matapos manghipo ng isang babae sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Ferias na umamin naman sa kaniyang nagawa.

Kwento ng biktima, hinipuan ng suspek ang kaniyang pwetan kaya agad siyang nagsumbong sa pulis na malapit lang sa lugar.


Ayon sa umarestong pulis, nagpumiglas at sinubukang tumakbo ng suspek kaya ipinosas niya muna ito sa poste.

Agad namang inalis sa pagkakaposas sa poste ang suspek nang dumating na ang ibang pulis.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong acts of lasciviousness at resisting arrest.

Nabatid na simula 2016, may umiiral nang ordinansa sa lungsod kontra sa “catcalling” at iba pang porma ng sexual harassment sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments