Lalaki, Arestado Matapos Masamsaman ng Iba’t-ibang Uri ng Armas!

*Cauayan City, Isabela- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o *Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang lalaki matapos masamsaman ng iba’t-ibang uri ng baril sa Sitio Estampa, Brgy Caquilingan Cordon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Chino Sun, 37 anyos, may asawa at residente ng Sitio Estampa, Capirpirwan, Cordon, Isabela.

Ito ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni hukom Efren Cacatian ng Branch 36, Santiago City.


Nakumpiska sa pag-iingat ni Sun ang isang (1) unit ng 9mm pistol, isang (1) 9mm Parabellium, isang (1) Caliber 22 homemade revolver, isang (1) 12 gauge shotgun, dalawang (2) Caliber 22 rifle, isang (1) Glock pistol at iba’t-ibang klase ng mga bala.

Nasa kustodiya ngayon ng Cordon Police Station ang akusado maging ang mga nakumpiskang baril para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments