Lalaki, Arestado Matapos Masamsaman ng Iligal na Baril at Bala!

69

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos masamsaman ng baril at bala sa Brgy. Minuri, Jones, Isabela.

Dakong alas 10:40 kaninang umaga nang isagawa ang search warrant sa bahay ng suspek na si Robie John Cataina, 53 anyos, may asawa at residente rin ng nabanggit na lugar.

Isinagawa ang paghahalughog sa loob ng bahay ni Cataina ng pinagsanib na pwersa ng PNP Jones, 3rd Platoon ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company at 86th Infantry Battalion, 5ID, Philippine Army kung saan nasamsam sa pag-iingat nito ang isang Cal .45 Colt hartford na may kasamang bala ng Cal 45, isang (1) magazine ng Cal 45 na may lamang 8 pirasong bala ng Cal 45 at isang (1) itim na holster.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments