Lalaki, arestado matapos na magpanggap na sundalo sa Gingoog City, Misamis Oriental

Nahuli sa ikinasang entrapment operation ng mga militar at pulis ang isang lalaking nagpapanggap na sundalo sa Pangasihan, Gingoog City sa Misamis Oriental.

Kinilala itong si Christian Dollen na nagpapakilalang officer ng 58th Infantry “Dimalulupig” Battalion, Philippine Army na 23 anyos at residente ito ng Barangay 13, Gingoog City.

Ayon kay First Lieutenant (1LT) Jefferson Mariano, Civil-Military Operations Officer ng 58IB, 4th Infantry Division (4ID), nakatanggap sila ng impormasyon na ang suspek ay nagpapakilalang sundalo ng Philippine Army (PA).


Aniya, nakikipagkaibigan ito at kalauna’y naghihiram ng pera at biglang naglalaho matapos makuha ang hiniram na pera.

Sa ikinasang entrapment operation, nakuha sa suspek ang iba’t ibang uri ng armas at mga bala.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa patung-patong na kaso.

Facebook Comments