Lalaki, arestado matapos saksakin ang isang babae ng syringe na puno ng semilya

Arestado ang isang lalaki matapos manaksak ng syringe na semilya ang laman noong Pebrero 18, sa Maryland, US.

Inatake ng kinilalang si Thomas Byron Stemen, 51, ang biktimang si Katie Peters sa parking lot, ayon sa Anne Arundel County Police Department.

Inilabas ng awtoridad sa Facebook ang surveilance video kung saan makikita si Stemen na naglalakad kasunod ni Peters na nagbabalik noon ng shopping cart.


Nang makalapit, inilabas ng suspek ang syringe mula sa kanyang jacket at tinurok sa ibabang bahagi ng likod ng biktima.

Makikitang nagulantang si Peters at tila hinanap ang tumama sa kanya, habang nagkunwari naman si Stemen na tumutulong.

Sa ulat ng WBAL, sinabi ni Peters na inakala niyang napaso lamang siya ng sigarilyo.

Kinompronta rin ng biktima si Stemen na sumagot lamang umano ng, “It felt like a bee sting didn’t it?”

Nadakip ng awtoridad ang suspek matapos makatanggap ng tip sa kinaroroonan nito.

Sinampahan ni Stemen ng first- at second-degree assault at reckless endangerment na hindi maaaring piyansahan, base sa desisyon ng hukom.

Kinumpirma naman ng pulisya na semilya ang laman ng syringe na natagpuan sa gilid ng pinto ng sasakyan ng suspek.

Facebook Comments