LALAKI ARESTADO MATAPOS SIRAIN ANG SIGNAGE NG ISANG GASOLINAHAN SA BINALONAN

Isang 22-anyos na lalaki ang naaresto matapos magdulot sirain ang fuel price signage sa isang gasolinahan sa Binalonan, Pangasinan.

Ayon sa ulat, minamaneho ng suspek ang kanyang kulong-kulong nang muntik nang mahulog sa drainage canal, kaya’t tinulungan siya ng isang pump attendant.

Gayunpaman, bigla umanong naging irritable at agresibo ang suspek, at sinadya nitong suntukin ang fuel price signage ng gasolinahan, na nagresulta sa pinsala.

Dahil diro, agad na dinala ang suspek sa Binalonan Police Station para sa tamang disposisyon at posibleng pagsasampa ng kaso sa ilalim ng paglabag sa mga batas kaugnay ng malicious mischief at public disturbance.

Ang insidente ay nagpapaalala sa publiko sa kahalagahan ng mahinahong pag-uugali at responsableng pagmamaneho, lalo na sa mga pampublikong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments