Lalaki, arestado matapos tangkaing mag-quarantine sa pribadong Disney island

512
AP

ORLANDO, Florida — Dinakip ng awtoridad sa Florida ang isang lalaking pinamalagian sa gitna ng quarantine ang saradong Disney World island.

Natagpuan ng pulisya ang kinilalang si Richard McGuire sa Discovery Island ng Disney noong Huwebes.


Ayon sa 42-anyos, noong Lunes o Martes pa raw siya naroon at plano niya sanang manatili sa loob ng buong linggo.

Nangatwiran din si MacGuire na hindi niya alam na ipinagbabawal ang pagpasok sa lugar, sa kabila ng mga nakapaskil na “no trespassing” sign.

“Richard stated that he was unaware of that and that it looked like a tropical paradise,” saad sa report.

Isang security representative din ng Disney ang nakapagsabing namataan niya ang lalaki na gumamit ng company boat noong Huwebes, sa kabila ng “no trespassing” sign at dalawang saradong gate.




Dinala sa kulungan si McGuire sa salang trespassing.

Dating tinawag na Treasure Island ang Discovery Island na nagsilbing zoological park, bago isara sa publiko noong 1999.

Facebook Comments