Lalaki, Arestado nang Masamsaman ng mga Bala at Baril!

*Cauayan City, Isabela- *Huli sa ikinasang Oplan Paglalansag ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Santiago City Field Unit at Cauayan City Police Station ang isang lalaki matapos masamsaman ng mga bala at baril sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), ganap na alas sais kaninang umaga nang isagawa ang operasyon laban kay Benito Balauag sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni judge Reymundo Aumentado ng RTC, Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ni Balauag ang isang Caliber 45, tatlong magazine ng Cal 45, isang magazine ng KG9 at Caliber M16, 23 piraso ng bala ng Cal 45 at 29 na piraso ng bala ng M16.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG Santiago ang suspek maging ang mga nakumpiskang item.

Samantala, inihahanda na ng PNP ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments