LALAKI, ARESTADO SA 12 BILANG NG KASONG RAPE

Cauayan City – Himas rehas ang isang lalaking binansagang number 1 regional most wanted person sa Ilagan City, October 18, 2024 bandang 11:35 ng umaga.

Kinilala ang suspek sa p angalang “Roland”, naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 14, 2024 dahil sa 12 bilang ng kasong Rape na isinampa laban sakanya kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng CIDG Isabela PFU ang suspek para sa karampatang dokumentasyon.


Samantala, Binigyan naman ni Provincial Director Lee Allen Bauding ng papuri ang mga kapulisang nasa likod ng matagumpay na pagkakaaresto ng nasabing suspek.

Facebook Comments