Lalaki, Arestado sa 2 counts ng kasong Rape sa Bayan ng Roxas

53

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng pulisya ang isang lalaki na Top 5 Wanted Person Municipal Level pasado 7:40 kagabi sa Brgy. Sto. Domingo, Quirino, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Orlando Catolico, 59 anyos, may asawa, isang laborer at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Quirino, inaresto si Catolico matapos magpalabas ng warrant of arrest si kagalang galang hukom Ariel Palce ng RTC Br. 23 Roxas Isabela para sa 2 counts ng kasong Rape na may petsang Enero 9, 2020.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang akusado upang harapin ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments