
Isang 63 anyos na lalaki ang naaresto sa isang anti-illegal gambling operation na isinagawa noong February 9, 2026 sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Regional Intelligence Division bilang lead unit, katuwang ang Sta. Barbara Municipal Police Station (MPS).
Nahuli ang suspek na residente ng Sta. Barbara habang aktwal na nangongolekta ng taya nang walang kaukulang pahintulot mula sa isang gaming corporation.
Nakumpiska sa operasyon ang ₱6,840.00 na bet money sa iba’t ibang denominasyon, mga hindi awtorisadong talaan ng taya at betting tally sheets, at record card ng winning numbers ng laro.
Ang suspek at ang mga nasamsam na ebidensya ay dinala sa Sta. Barbara MPS para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










