Arestado ang isang 59-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Alcala Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 1.
Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.25 gramo, kasama ang marked at boodle money na ginamit sa operasyon.
Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa lugar ng insidente sa presensya ng mga kinatawan mula sa pamahalaan at ng suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alcala Police ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.
Facebook Comments









