Lalaki arestado sa buy-bust operation sa Boracay

19

Boracay Island – Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang isang lalaki kagabi sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan. Ang suspek ay nakilalang si Mark Lorenz Manalo, 25-anyos, tubong Navotas City at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay sa isla. Inaresto si Manalo matapos mabilhan ng dalawang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, kapalit ng 900 pesos na buy-bust money. Ayon sa Malay PNP na tumakbo at nakipagahabulan pa sa mga pulis ang suspek matapos malaman na mga pulis ang kanyang ka transaksyon. Itinapon nito ang buy-bust money pero narekober din ito ng mga pulis bandang huli. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito nga Malay PNP at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments