Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Sta. Barbara Police Station sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Nahuli ang suspek matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng 500 pisong buy-bust money.
Sa isinagawang body search, nakumpiska pa ang dalawang karagdagang sachet ng hinihinalang shabu, ang ginamit na 500 peso bill, at iba pang kaugnay na ebidensya.
Ayon sa imbestigasyon, tinatayang 0.35 gramo ang kabuuang bigat ng mga nakumpiskang ilegal na droga na may halagang humigit-kumulang 2,380 piso.
Dinala ang suspek at mga ebidensya sa Sta. Barbara Police Station para sa dokumentasyon, bago inilipat sa Pangasinan Forensic Unit sa Lingayen para sa laboratory examination at drug test.
Facebook Comments








