Lalaki arestado sa ikinasang drug buy-bust operation sa lalawigan ng Zamboanga del Sur

Pagadian City, Zamboanga del Sur–Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa public market sa Brgy. Poblacion, Aurora, Zamboanga del Sur.
Ayon kay PSInsp. Roger Bartiana hepe ng Aurora Municipal Police Station, nag-ugat ang operasyon sa report ng mga residente sa lugar sa lantaran umanong pagbebenta ng droga ang suspect na si Giovanie Bontia,, 31 anyos, residente sa Purok Sagrada, Poblacion, Aurora.
Nakuha ng mga operatiba sa kamay suspect ang isang sachet ng suspected shabu, P500 na marked money at iba pang drug paraphernalia.
Ang nasabing suspect ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
(RMN Pagadian News Team)

Facebook Comments