Lalaki, arestado sa ilegal na droga; kasamahan nito, nakatakas sa Pasig City

44

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Eastern Police District Drug Enforcement Unit ang isang lalaki habang nakatakas naman ang kasamahan nito sa isinagawang buy-bust operation sa #338 Venus St., Brgy Caniogan, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Arnaldo Apostol Concepcion, 53-anyos, habang mabilis na nakatakas ang kasamahan nito na nakilalang si Jay-R Concepcion Patulot na kabilang sa unified drug watchlist ng EPD.


Batay sa imbestiagsyon ng pulisya, naaresto si Concepcion ng mga operatiba ng EPD District Drug Enforcement Unit sa pamamagitan buy-bust operation pero natunugan ni Patulot ang isinagawang transaksyon ng mga pulis kaya agad itong tumakas.

Narekober sa suspek ang dalawang pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na tinatayang tumitimbang nang humigit kumulang anim na gramo at nagkakahalaga ng ₱40,800 at ₱300 na buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments