Lalaki, arestado sa ilegal na droga sa Las Piñas City

42

Kalaboso ang isang lalaki matapos ikasa ng Las Piñas City Police Station ang drug buy-bust operation sa Yelen Catral St., BF Resort, Brgy. Talon 2.

Nakilala ang nadakip na si Hipolito Macasieb, 43-anyos at walang trabaho.


Nabatid na isinagawa ng Las Piñas City Police Station ang operasyon matapos makatanggap ng tip na talamak na nagbebenta ng ilegal na droga ang suspek sa kanilang lugar.

Nakuha sa suspek ang pitong sachet ng shabu na may bigat ng anim na gramo at nagkakahalaga ng ₱40,800.

Aminado ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga lalo na’t hirap na makahanap ng trabaho bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments