Lalaki, Arestado sa Iligal na Pagbebenta ng Droga!

Alicia, Isabela -Arestado ang isang lalaki sa Purok 4, Brgy. Marcelo Del Pilar, Alicia, Isabela bandang alas singko ng hapon (June 1, 2019) dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Amin, 33 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Rizaluna sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Alicia, nakatanggap sila ng isang tawag mula sa isang concern citizen na may nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar at agad namang rumesponde ang mga otoridad para beripikahin ang nasabing iligal na bentahan at nang makarating sa lugar ay nakatunog umano ang suspek sa paparating na mga operatiba at kumaripas ito ng takbo.


Agad namang naaresto ang suspek at nasamsam sa pag iingat nito ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na nasa kustodiya na ng PNP Alicia.

Facebook Comments