
Naaresto ng personnel ng Sta. Barbara Police Station sa pakikipagtulungan ng PDEA Region 1 ang isang 27 anyos na lalaki sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation.
Nakuha mula sa suspek ang 3 gramo ng hinihinalang shabu na nakaayos sa apat na heat-sealed na sachet, na may tinatayang Standard Drug Price na ₱20,400. Kasama rin sa nasamsam ang isang pakete ng sigarilyo at isang limang daang piso na buy-bust money.
Isinagawa ang inventory at marking ng ebidensya sa mismong lugar sa harap ng mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa batas.
Ayon sa pulisya, patuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










