
Inaresto ang isang lalaki sa Brgy. Salpad, San Nicolas, Pangasinan kaugnay ng kasong child abuse matapos pagsilbihan ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Section 5(B) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Isinagawa ang operasyon ng 104th Maneuver Company bilang lead unit katuwang ang San Nicolas Municipal Police Station at Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1.
Ang kaso ay may inirekomendang piyansa na ₱200,000. Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pagproseso ng kaso.
Patuloy naman ang pagpapatupad ng mga awtoridad sa mga kautusan ng hukuman kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa mga bata.









