Lalaki, Arestado sa kasong bigong pagpatay sa Ramon, Isabela

164

Ramon, Isabela– Arestado ang isang lalaki sa kasong bigong pagpatay sa Bayan ng Ramon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Federico Buendia, 52 anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Sebastian sa nasabing bayan.


Inaresto ang akusado ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Ramon Police Station sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Anastacio Anghad ng RTC Br. 36 Santiago City.

Wala naman inirekomendang piyansa ang hukuman para sa nasabing kaso.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG Santiago ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments