Lalaki, Arestado sa kasong Bigong Pagpatay

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalakin matapos isilbi ang warrant of arrest nito pasado 11:30 kaninang umaga sa Brgy. 3, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rengto Dizo alyas ‘PADI’, 30 anyos, may asawa, walang trabaho at residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng San Mateo Police Station, ipinalabas ni kagalang galang hukom Paul Ramil Atolba Jr. ng RTC Br.27 Bayombong Nueve Vizacaya ang warrant of arrest nito para sa kasong Frustrated Murder.


Wala namang eksatong halaga ng piyansa ang inilaan ng korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya si Dizo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments