Lalaki, Arestado sa Kasong Carnapping sa Bayan ng Reina Mercedes!

1134

*Reina Mercedes, Isabela*- Inaresto ang isang lalaki ng mga operatiba matapos magpalabas ng mandamiento de aresto ang hukuman kaugnay sa kasong Carnapping sa Brgy. District 1, Reina Mercedes kagabi, June 13, 2019

Kinilala ang akusado na si Joser Acob, 30 anyos, walang asawa at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng Reina Mercedes PNP sa pangunguna ni PMAJ. Michael Esteban katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Isabela Provincial Field Unit ,nagpalabas ng warrant of arrest si hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 Ilagan City na nagresulta pagkahuli sa akusado para sa kasong kinakaharap nito.

Inirekomenda naman ng hukuman ang paglaya ng akusado kung makakpagpiyansa ito ng halagang P300,000.00

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments