Arestado ang isang lalaki sa Alaminos City matapos ipatupad ang isang Warrant of Arrest kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Kinilala ang suspek na isang magsasaka at residente sa lungsod.
Patuloy namang tiniyak ng Alaminos City Police Station ang kanilang mahigpit na pagpapatupad ng batas, pagpapalakas ng kampanya laban sa krimen, at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng komunidad sa tulong ng kooperasyon ng publiko.
Sasailalim sa kaukulang proseso ng pagkakaso ang suspek para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments









