LALAKI, ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA MANGATAREM, PANGASINAN

Kulungan ang bagsak ng isang 18 anyos na lalaki sa bisa ng ikinasang operasyon ng Mangatarem Police Station sa Brgy. Burgos sa bayan.

Ang lalaki ay tukoy na Most Wanted Person sa bayan, dahilan ng kinakaharap nitong kaso na Statutory Rape.

Sa panayam kay Mangatarem PS Chief-of-Police PMaj. Arturo Melchor Jr., naganap ang insidente matapos mag-inuman ang akusado at biktima na kalaunay humantong umano sa panghahalay

Samantala, walang inirekomendang pyansa ang kaso ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments