LALAKI, ARESTADO SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE

CAUAYAN CITY- Napasakamay ng mga otoridad ang isang lalaki matapos masilbihan ng mandamiento de aresto sa Purok 3 Brgy. Rizaluna, Cordon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Franco”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Imprudence and Negligence kung saan tatlumpung-libong piso ang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments