LALAKI ARESTADO SA MALASIQUI; ₱680K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA SEARCH OPERATION

Arestado ang isang lalaki na tinukoy bilang High Value Individual sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000.

Nakumpiska rin ang tinatayang 5 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang ₱600.

Ang suspek ay dinala sa Pangasinan Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination at drug testing.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Malasiqui Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments