
Isang lalaki ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan noong Oktubre 27, 2025.
Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Urdaneta City Police Station sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 1. Sa naturang operasyon, nasamsam mula sa suspek ang anim na sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang limang (5) gramo at may halagang tinatayang ₱34,000.
Nakumpiska rin ang marked money, isang cellphone, at isang disposable lighter. Isinagawa ang imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng mga saksi at ng suspek, habang naitala rin ito gamit ang dalawang alternatibong recording devices.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Urdaneta City Police Station ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya, habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









