Lalaki, Arestado sa Pag-iingat ng Baril!

*Mallig, Isabela-* Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isang lalaki matapos makuhanan ng iligal na baril pasado alas dose ng tanghali, Hunyo 5, 2019 sa Siempre Viva Sur, Mallig, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Clyde Dumlao, nasa hustong gulang, may-asawa at residente ng Brgy. Siempre Viva Sur, Mallig, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ng Mallig Police Station mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y pakikipag-inuman ng suspek habang may dalang baril.


Agad naman na rumesponde ang mga otoridad sa lugar subalit hindi na naabutan ang suspek matapos tumakas nang kumpiskahin ng mga Brgy Officials ang dalang baril na Cal 22.

Nasa kustodiya na ng PNP Mallig ang nakumpiskang baril para sa kaukulang disposisyon habang pinaghahanap na ang tumakas na suspek.

Facebook Comments