Lalaki arestado sa pagdadala ng baril

Arestado ang isang 29 anyos na lalake matapos itong mahulihan ng baril kahapon ng mga elmento ng PP2 sa loob ng ORG Compound particular sa RLA-ARMM bandang 3:15 ng hapon Kinilala ang suspect sa pangalang Zamil Laguyo Lumantag 29 anyos na resodente ng purok Matigkel barangay RH-7, nakuha sa kanyang posisyon ang isang calibre 45 Colt 45 pistol 1911 na may serial number 849565, na may isang magazine. Ayon sa report, kahina-hinala umano ang galawa ng suspect habang siyay nasa harap ng RLA-ARMM kayat itoy isinumbong sa PP2 at sa kanilang pagresponde ay nakita ang suspect na nakatayo na may sling bag at ng kapkapan ay tumambad ang itinatagong baril. Kaagad siyang hinuli ni station two commander PCI Efren Salazar at ngayon ay nakapiit na at nahaharap sa kasong paglabag sa 10591.

Facebook Comments