LALAKI, ARESTADO SA PAGNANAKAW AT PAGBEBENTA NG TRICYCLE SA MANAOAG

Natunton ng awtoridad ang suspek sa pagnanakaw ng isang tricycle matapos ibenta ito sa Manaoag, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, dumulog sa himpilan ang biktima matapos mapansin na nawawala ang tricycle na nasa harap lamang ng kanilang barracks sa bayan.

Di naglaon, napag-alaman na ibinenta ng suspek ang sasakyan sa isang junkshop sa halagang P3,000.

Dahil dito natunton ang suspek ang narekober din ang tinangay na sasakyan.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments