Lalaki, Arestado sa Pagpapataya ng STL!

53

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos maaktuhang nagpapataya ng Small town lottery (STL) sa Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Romeo Mangrubang, 56 taong gulang, sales representative ng PCSO at STL Apayao na residente ng Brgy. Quirino, Luna, Apayao.


Nahuli si Mangrubang matapos respondehan ng kapulisan ang kanilang natanggap na sumbong mula sa concerned citizen kaugnay sa pagpapataya nito sa nasabing barangay.

Naaktuhan ng mga rumespondeng pulis ang suspek na kasalukuyang nagpapataya at nangongolekta ng pera at nang hingan ito ng kaukulang permit sa lugar ay wala itong maipakita.

Nakuha sa pag-iingat ni Mangrubang ang pera na mahigit isang libong piso, 2 booklet ng STL Papelitos, 2 ID ng PCSO/STL Apayao, isang (1) belt bag at isang (1) ballpen.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang suspek.

Facebook Comments