Lalaki, arestado sa panggagahasa ng 11 anyos na bulag sa Bulacan

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos gahasain ang isang 11 anyos na dalagitang bulag sa calumpit, Bulacan.

Bago halayin ng suspek na si Romeo Tadero ang biktima, nakipag-inuman muna ito sa bahay ng 72-anyos na lolo ng dalagita.

Paniwala ng lolo ng biktimang hindi nagpakilala, hinaluan ng pampatulog ng suspek ang kaniyang ininom dahil kaagad siyang nahilo at nawalan ng malay.


Nabatid na silang dalawa lang ng kaniyang apo ang nasa bahay nang mangyari ang krimen dahil nagtatrabaho sa Cavite ang mga magulang ng dalagita.

Giit ng biktima, nakilala niya ang boses ni Tadero dahil lagi itong nagpupunta sa kanilang bahay.
Hindi naman na itinanggi ni Tadero ang paratang kung saan igitniit niyang mahal niya ang biktima.

Naniniwala ang pulisya na pinlano ng suspek ang krimen at sinamantala ang kapansanan ng biktima.

Facebook Comments