Lalaki, arestado sa panghahalay at pagmamaltrato sa mga minor de edad sa Northern Samar

TACLOBAN CITY – Inaresto ng Bobon Northern Samar Municipal Police Station ang isang lalaki na suspek sa panghahalay sa 14 anyos na babae at pagmaltrato sa kapatid nitong 8 anyos.

Kinilala ang suspek na si Lito Miano, 46 anyos, may live in partner, at isang myembro ng CAFGU na residente ng Brgy. Salvacion Bobon Northern Samar.

Ayon kay PInsp. Ricardo Banjawan, Chief of Police ng Bobon MPS, nag-report ang isang Brgy. Tanod sa lugar kung saan may minamaltratong mga minor de edad. Matapos madakip ng mga kapulisan ang suspek ay doon na umamin ang 14 anyos na biktima na sya ay hinahalay ng suspek halos gabi-gabi simula pa noong taong 2015 hanggang December 2017.


Ang suspek ay nakakulong na sa Bobon Northern Samar MPS at nahaharap ngayon sa kasong multiple rape at violation sa RA 7610.

Facebook Comments