Lalaki, arestado sa paninipol ng babae sa QC

46

Quezon City – Inaresto ng mga pulis ang isang construction worker matapos manipol ng babae sa Santa Monica, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jay Ar Cabesas, 20-anyos na nahaharap sa pag-labag sa Anti-Catcalling Ordinance ng lungsod.


Nasa labas noon at nakikipaglaro sa mga aso ang biktima nang lumapit ang suspek at sinipulan ang babae.

Dahil dito, agad humingi ng tulong ang babae sa mga pulis at ipinaaresto ang suspek.

Pinalaya muna ang suspek habang isinasagawa ang preliminary investigation pero posible siyang makulong ng aabot sa isang buwan.

Hinihiyakat naman ng Quezon City Police District (QCPD) ang iba pang biktima ng pambabastos o catcalling na magsumbong sa kanila.



Kasama sa mga offenses sa ilalim ng ordinansa ang pagmumura, pagsipol, pang-stalk, paghingi ng number o pagpilit sa babae na pumayag sa date o paggawa ng nakakababastos na hand gestures.


Facebook Comments