Lalaki, arestado sa Pasay dahil sa ilegal na bentahan ng exotic na ibon

Nasakote ng mga operatiba ng PNP Maritime Group ang isang lalaki sa isang entrapment operation matapos maaktuhang nagbebenta ng exotic na ibon online nang walang kaukulang permit.

Inaresto ang suspek sa tapat ng isang convenience store sa Pasay City habang isinasagawa ang bentahan ng dalawang cockatiel, isang uri ng exotic wildlife species.

Isinagawa ang operasyon alinsunod sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act na nagbabawal sa pangangalakal ng mga hayop na kabilang sa protektadong uri nang walang kaukulang pahintulot mula sa pamahalaan.

Ayon sa mga awtoridad, nabigong magpakita ng anumang dokumento o permit ang suspek para sa pag-aari at pagbebenta ng mga nasabing ibon.

Facebook Comments