Isang 37-anyos na lalaki ang naaresto sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Lobong, San Jacinto, nitong Linggo, Hulyo 6, 2025, dahil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng asong buhay para sa konsumo, na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act.
Nahuli ang suspek sa aktong pagbebenta ng isang buhay na aso. Kabilang sa mga nasamsam sa kanya ang isang sako at maikling wire, na umano’y ginagamit sa transportasyon ng hayop.
Ang operasyon ay pinangunahan ng San Jacinto Police Station Intelligence Unit, katuwang ang Regional Director ng Animal Welfare Investigation Project (AWIP), isang organisasyong nakabase sa United Kingdom na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop.
Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan, habang isinagawa ang maayos na dokumentasyon at imbentaryo ng mga ebidensiya sa harap ng mga opisyal ng barangay at kinatawan ng AWIP.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng San Jacinto Police Station si Alcantara, at inihahanda na ang kaso laban sa kanya para sa paglabag sa RA 8485. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









