LALAKI AT TATLONG TAONG GULANG NITONG ANAK NA BABAE, NATAGPUANG PATAY SA STOCKROOM NG TINDAHAN NG CONSTRUCTION SUPPLIES SA BAYAN NG SUAL

Wala ng buhay ng matagpuan ang isang mag ama matapos umano silang patayin ng nakaaway ng amang biktima sa bayan ng Sual.
Ang amang biktima ay nakilalang si Ronnie Costales at ang tatlong taong gulang na anak nitong si Jhana.
Lumalabas sa imbestigasyon na nakita ang wala ng buhay ng mga biktima pasado alas diyes ng Umaga sa loob mismo ng stockroom kung saan nagtatrabaho ang ama at doon na din sila pansamantalang nanunuluyan.

Ayon sa mga saksi , nakitang nakipag away si Ronnie sa suspek na nakilalang si Jason Libayon kung saan ay nakita na lang sa Libayon kinalaunan na lumabas mula sa tinitirhan ng mga biktima at tinangay pa nito ang motor nila.
Natuklasan sa mga katawan ng mga biktima na may tama sa ulo si Ronnie na tila hinampas ng matigas na bagay habang sugat sa leeg naman si Jhana na tila sinakal.
Nakita naman sa crime scene ang isang steel pipe na hinihinalang ginamit sa pang hampas kay Ronnie at bag na pagmamay ari ng suspek.
Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek na tumakas matapos ang insidente. |ifmnews
Facebook Comments