Lalaki binaril patay sa Matalam North Cotabato

Patay ang isang construction worker ng itoy pagbabarilin sa kanyang bunk house sa gilid ng National Highway sa Barangay Manubuan, sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Alvin Lumambas, 41-anyos , residente ng Purok 7 ng nasabing lugar. Sa report dakong alas-6:30 ng gabi nitong Martes naglalakad ang biktima patungo sa kanilang bunk house ng sundan ng sudpect at pinagbabaril ng ilang beses.
Tinamaan ng bala sa kanyang ulo at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan mula sa csl.45 pistol ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments