LALAKI, BINATO ANG ISANG PULIS

Naaresto ang isang 43-anyos na lalaki matapos batuhin ang isang pulis na humabol sa kanya dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.

Ayon sa imbestigasyon, tumakas ang suspek nang sitahin siya ng biktimang pulis dahil sa hindi pagsunod sa regulasyon sa trapiko. Hinabol siya ng pulis ngunit nang maabutan, binato niya ito sa ulo, na nagresulta sa sugat.

Napag-alaman na lasing ang suspek nang maganap ang insidente. Agad siyang inaresto at dinala sa Dagupan City Police Station para sa karampatang disposisyon.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong Direct Assault upon a Person in Authority, Physical Injuries, at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments