Lalaki, bumisita sa 11 branch ng isang fast food para sa libreng nuggets

108

Sinulit ng isang lalaki ang pinamigay na libreng chicken nuggets ng isang fast food restaurant sa Oregon, USA bilang tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inanunsyo ng Wendy’s noong nakaraang linggo na mamimigay ang restaurant ng free 4-piece nuggets sa kada isang costumer na dadaan sa kanilang drive-thru, ayon sa Fox News.


Para higit pa sa isang pack ang makuha, ibinahagi ng Twitter user na si “Skweezy Jibbs” ang pagbisita niya sa 11 participating branches sa greater Portland at Vancouver — nang dalawang beses.

Tumagal daw nang limang oras ang 17 milyang round trip ng lalaki para sa nuggets na aniya’y pang isang linggo na.

Napansin naman ito ng Wendy’s na nagreply sa naturang tweet ng, “That’s just straight up impressive, [not gonna lie].”

Tinawag na “GroupNug” ang nasabing promotion ng fast food na mula umano sa team members ng kompanya at crew na patuloy na tumutulong sa iba’t-ibang komunidad.



Facebook Comments