Lalaki chinop-chop, itinapon ang katawan ng misis habang nasa bakasyon

Arestado ang isang lalaki mula US matapos patayin sa saksak ang misis at itapon ang bangkay nito bago matapos ang kanilang bakasyon sa Narbonne, France.

Nahaharap sa kasong aggravated murder si Billy Kruger makaraang aminin sa pulisya ang pagpatay sa 52-anyos French na asawang si Laure Bardina-Kruger, iniulat ng Agence France-Presse.

Ayon sa ulat, Biyernes nang dakpin si Kruger sa Toulouse-Blagnac Airport, bago pa man siya makalipad pabalik sa Indonesia, kung saan sila naninirahang mag-asawa.


Umamin ang lalaki na dalawang beses sinaksak ang misis bilang self-defense umano habang nasa kalagitnaan sila ng pag-aaway.

Tatay ng biktima, nakatira rin sa Narbonne, ang tumawag sa awtoridad nmatapos mag-alala nang hindi magpaalam ang anak bago ang nakatakdang pagbalik sa Indonesia.

Nang puntahan ng pulisya ang bahay-bakasyunan ng mag-asawa sa Peyriac-de-Mer, bagahe lang ng misis ang nadatnan doon.

Kalaunan nadiskubre ang kinatay na katawan ng biktima sa malapit na kanal.

Napag-alaman na taon-taong nagbabakasyon sa nasabing bahay ang mag-asawang parehong may trabaho sa Indonesia.

Facebook Comments