
Cauayan City – Napasakamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na sangkot sa kasong panggagahasa sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Ryan”, nasa wasting edad, residente ng nabanggit na lugar, at itinuturing bilang Top 10 Regional Most Wanted Person.
Ayon sa ulat mula sa PNP Isabela, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa kasong Rape na isinampa laban dito.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni alyas “Ryan”.
Matapos ang pagkakadakip, dinala ang suspek sa himpilan ng Benito Soliven Police Station para sa dokumentasyon bago ito iharap sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.
Facebook Comments