Lalaki, Dinakip sa Kasong Pagpatay

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang lalaki matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa kasong Pagpatay sa Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Robert Baniton, 33 anyos, may asawa at residente ng Sitio Diwagden sa nasabing bayan.

Lumabalabas sa imbestigasyon ng PNP San Mariano, dinakip si Baniton matapos magpalabas ng kautusan si kagalang galang hukom Rodolfo Dizon ng RTC Br. 18 Ilagan City para sa nabanggit na kaso.


Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito habang nasa pangangalaga pa rin ng mga otoridad ang nasabing akusado para harapin ang asunto laban sa kanya.

Facebook Comments