LALAKI, DINAKIP SA PAG-IINGAT NG HINIHINALANG "SHABU"

Tuluyang inaresto ng kapulisan ang isang lalaki matapos masamsaman ng hinihinalang iligal na droga sa loob ng kanyang bahay sa Purok 4, Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Jasper Fernandez, nasa hustong gulang, may-asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Sa pinagsanib na pwersa ng San Mateo Police Station at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company, isinilbi ang search warrant sa bahay ng suspek na kung saan nagresulta ito sa paghahalughog ng tatlong (3) heat sealed small plastic transparent sachet na naglalaman ng crystalline white substance o pinaniniwalaang “Shabu” at tatlong piraso ng aluminum foil.

Lahat ng mga nakuhang ebidensya ay nakalagay sa kulay itim na pitaka at nakatago sa ilalim ng foam na nasa kama.

Tinatayang mayroon naman itong bigat na .03 gramo na may katumbas na halagang Php1,000.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments