Lalaki, gumawa ng engagement ring mula sa mga ginupit na kuko na 1 taon inipon

Screenshot via kiwami japan at YouTube

Kinabiliban–at medyo pinandirihan din–ang ginawang enagement ring ng isang lalaki mula sa Japan mula sa mga ginupit niyang kuko na inipon nang isang taon.

Sa video na “Engagement ring made from human nails”, ibinahagi ng kilala sa YouTube bilang “kiwami japan” ang proseso ng kanyang obra.

Una niyang inilagay sa blender ang mga kuko para maging pino at saka hinaluan ng tubig.


Isiniksik sa screw ang pinaghalong tubig at pinulbos na kuko at piniga nang piniga hanggang matanggal ang sobrang tubig.

Isinalang naman sa microwave ang screw sa loob ng 90 minuto at sa init na 150 degrees.

Itim na clay ang naging resulta ng pagpapainit–malayo ang itsura at hindi na aakalaing gawa sa kuko ang materyal.

Pinalambot at inilagay ang clay sa hulmahan para kumorteng diyamante.

Saka ikinabit ng lalaki ang magarang bato sa singsing na siya rin mismo ang gumawa.

Umabot na sa 5.6 million views ang video ng YouTuber na umani ng hating reaksyon–pagkamangha at pandidiri.

“I’ve never been so disgusted yet amazed at the same time,” komento ng isang nanonood.

Saad pa sa sumunod na top comment, na sinang-ayunan naman ng marami:

“How I felt while watching this:
Confused
Disgusted
Interested
Aroused”

Facebook Comments